^

Bansa

BDO umusad sa listahan ng pinakamagagaling na bangko sa mundo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat sa ika-243 ang BDO Unibank (BDO) mula sa ika-255 na puwesto nito noong nakaraang taon sa Top 1000 World Banks ayon sa kalalabas pa lamang na listahan ng UK-based na payahagang The Banker.

Kinilala rin ng kaparehong datos ang BDO bilang nanatili at nangu­ngunang bangko sa Pilipinas dahil sa kakayahan, laki, malagong kita, at matatag na performance nito.

Dahil sa matatag na paglago ng iba’t ibang uri ng negosyo, tumaas ang net income ng BDO sa all-time high na P25.0 billion. Kinakatawan nito ang 10% na taunang paglago ng bangko, at tumutugma sa earnings guidance nito noong 2015 sa kabila ng hamon ng mahirap na operasyon. Nakatanggap din ng makahulugang pagkilala ang BDO nang umabot sa P2.0 trilion na marka ang kabuuang mga ari-arian nito.

Isa lamang ang The Banker sa napakaraming pahayagang internasyonal na patuloy na kumikilala sa mahusay na performance ng BDO sa lokal na sector ng pagbabangko. Sa kasalukuyan ngayong taon, nakatanggap na ang BDO ng pagkilala bilang pinakamahusay na bangko sa Pilipinas mula sa iba’t ibang institusyon gaya ng Alpha Southeast Asia, The Asian Banker, AsiaMoney, at FinanceAsia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with