^

Bansa

Marcos burial sa Libingan, pinigil

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

‘Status quo ante order’ inisyu ng SC

MANILA, Philippines – Pansamantalang pini­gil ang anumang aksyon ng pamahalaan na ili­bing si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani matapos na magpalabas ng “status quo ante order” ang Supreme Court (SC)  kahapon.

Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, epektibo ang status quo ante order sa loob ng 20 araw na nangangahulugan na wala munang magaganap na pagpapalibing sa labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa nasabing mga araw mula ngayon o kapag natanggap na ng mga petitioners at lahat ng partido ang kautusan ng korte.

Bukod dito, ipinagpa­liban kahapon ng SC ang pagdaraos ng oral arguments sa nasabing kaso sa Agosto 31. Sa halip na gawin ang pagdinig ngayong araw, nagpasya ang mga mahistrado na ilipat ito sa susunod na Miyerkukes, ganap na alas-10 ng umaga. 

Kabilang sa mga petitioners sina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Neri Colmenares, gayundin ang ikalawang petisyon ng Grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at ng mga kaanak ng mga biktima ng Desaparacidos at si dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales.

 Humabol pa kahapon ang petisyon ng grupo nina dating Senator Heherson Alvarez, batikang direktor na si Joel Lama­ngan, National Commission for Culture and the Arts executive director Cecilia Guidote-Alvarez, dating Education Secretary Edilberto de Jesus, University of Santo Tomas political science professor Edmund Tayao, Movement Against Political Dynasties chairman Danilo Olivares at actor na si Noel Trinidad. Ang pang-limang petisyon ay inihain naman ng grupo ng mga kabataan na nagpakilalang millennials.

Iniutos na ng Korte Suprema ang consolidation o pagsasama-sama ng lahat ng mga petisyon na inihain ng iba’t ibang indibiduwal o grupo laban sa utos ng Department of National Defense na pumipigil na ihimlay ang mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani at mabigyan ito ng military honors. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with