^

Bansa

‘Carina’ nagbabanta sa Eastern Luzon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na ngayong bagyo na may pangalang “Carina” ang dating low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang bagyong Carina  ay nananatili ang lakas habang kumikilos sa may hilaga hilagang kanluran papuntang Eastern Luzon.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ni Carina ay namataan ng Pagasa sa layong 135 kilometro ng silangan hilagang silangan  ng Borongan City sa eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Si Carina ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Ngayong Sabado si Carina ay inaasahang nasa layong  300 kilometro ng silangan ng Daet, Camarines Norte at sa Linggo ay nasa layong 105 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City .

Inaasahang magtatagal si Carina sa bansa hanggang sa Lunes pero ang epekto ay mararamdaman hanggang Miyerkules na magdadala ng mga pag-uulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Luzon area.

Patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang mga mangingisda sa nasabing lugar na lulan ng maliliit na bangka  na huwag munang maglalayag dahil sa mala­laking alon sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with