^

Bansa

Namaril ng siklista sa Quiapo, nahuli sa Masbate

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip na nga mga awtoridad ngayong Biyernes ang Army reservist na namaril at nakapatay ng isang nakaalitang siklista sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa  Armed Forces of the Philippines, nasakote si Vhon Martin Tanto sa Milagros, Masbate bandang 11:45 ng umaga.

Dinala si Tanto sa 9th Infantry Battalion bago ibigay sa Manila Police District.

BASAHIN: Kotse ng road rage killer natunton sa Nueva Vizcaya

Nag-ugat ang krimen nang magkaalitan sa kalsada sina Tanto at ang siklistang si Mark Vincent Garalde.

Bumaba ng kaniyang sasakyang Hyundai Eon si Tanto at nauwi sa suntukan ang kanilang pagtatalo ni biktima.

Nang matapos ang suntukan ay bumalik sa sasakyan si Tanto at kinuha ang kaniyang baril.

Pinaputukan sa ulo ng suspek ang biktima at nang bumagsak si Garalde ay pinaputukan siyang muli ni Tanto.

BASAHIN: Sa insidente ng road rage sa Quiapo: ‘Shoot-to-kill’ vs killer ng biker

Nakita ang buong pangyayari sa closed circuit television camera na kumalat ang video sa social media.

Bukod kay Garalde, kritikal ang kondisyon ng 18-anyos na estudyante na nagtatapon lamang ng basura ngunit tinamaan din ng bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with