^

Bansa

Tensyon sa Kamara: Rep. Suarez tinawag na ‘fake minority leader’!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Baguilat bumuo ng sariling grupo

MANILA, Philippines – Umiinit ang isyu sa minority leadership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos na hindi kilalanin ng ilang kongresista ang pagkakaluklok ni Quezon Rep. Danilo Suarez bilang nanalong minority leader kahapon.

Tahasang tinawag nina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Albay Rep. Edcel Lagman si Suarez na “fake minority” leader si Suarez dahil siya rin umano ang co-author ng mga priority bills ng administrasyon.

Plano pa ni Lagman na dalhin ang usapin ng minority leadership ng Kamara de Representantes sa Korte Suprema upang doon kuwestyonin ang pagkakahalal ni Suarez.

Sa halip na maresolba ang isyu ng minority leadership nang mahalal si Suarez matapos na magbotohan kahapon, lalong nagkaroon ng kaguluhan nang itatag nina Baguilat at Lagman ang isang independent minority group (IMC) at hindi kinilala si Suarez bilang minority leader. Kasama sa naturang binuong IMC sina Reps. Gary Alejano (Magdalo partylist), Raul Daza (Northern Samar), Rom Villarin (Akbayan), Rodante Marcoleta (1Sagip partylist) at Edgar Erice (Caloocan City).

Iginiit ng dalawang kongresista na sila ang magsisilbing kunsensya ngayon ng Kamara.

 Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng independent minority ang Kamara kung saan ang una ay grupo naman ni dating Leyte Rep. Martin Romualdez noong 16th Congress.

 Ang minority group ni Suarez ay binubuo naman ng 22 kongresista na karamihan ay mula sa Partylist at ang mga nag-abstain sa naganap na botohan noong speakership ng Kamara.

 Para naman kay Suarez, tatangkain nitong makipag-ayos kay Baguilat dahil kaibigan naman niya umano ang huli sa Kamara.

Magugunita na puma­ngalawa si Baguilat, na nakakuha ng 8 boto mula sa nanalong House Speaker na si Rep. Pantaleon Alvarez, 251 votes habang ikatlo si Suarez na nakakuha ng 7 boto. Nakagawain sa Kamara na ang ikalawang nakakuha ng boto ang siyang ilalagay na minority leader na hindi nasunod dahil sa bagong pinairal na alintuntunin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with