4 ex-president pupulungin ni Digong sa NSC
MANILA, Philippines – Pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 35 miyembro ng National Security Council (NSC) kung saan ay imbitado ang mga dating Pangulo ng bansa kabilang sina Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Fidel V. Ramos, Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada at Benigno Aquino III ngayong hapon.
Ayon sa Palasyo, ang pagpupulong ng NSC ay isasagawa sa Malacañang ngayong alas-3:00 ng hapon upang talakayin ang vital policies at strategies sa mga mahalagang isyu kabilang na dito ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) hinggil sa West Philippine Sea na pumapabor sa Pilipinas.
Ang NSC ay “collegial body” na pinangungunahan ng Pangulo kasama ang 35-miyembro nito mula sa executive, legislative kasama ng mga dating pangulo, Vice-President Leni Robredo, Senate President Koko Pimentel, Speaker Pantaleon Alvarez, majority at minority leaders ng Kongreso at ilang miyembro ng Gabinete.
Sa unang NSC meeting ng Duterte administration ay nakatakdang iprisinta ang road map para sa peace and development ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza gayundin ang update sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs ng PDEA.
- Latest