^

Bansa

Pres. Rody ‘lumambot’ na sa media

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

‘Once a month’ prescon isasagawa 

MANILA, Philippines – Tila lumambot na si Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte sa pakikitungo sa media matapos ang self-imposed boycott nito kamakailan at may planong magkaroon ng “once a month” na press conference sa piling media group.

Ito ay matapos na imbitahan mismo ng Pangulo ang mga ilang selected mediamen para sa isang private dinner sa Malacañang Park kamakalawa ng gabi matapos ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa joint session ng Senado at Kamara.

Nakipagkwentuhan si Duterte sa mga piling mediamen na sina Ian Cruz at Cedric Castillo ng GMA 7, Mia Reyes ng TV5, Doris Bigornia ng ABS-CBN, Ina Andolong ng CNN Phils. at ang editor-in-chief ng Min­danews na si Carol Arguillas matapos silang imbitahan sa Malacañang Golf Club House na ilang metro lamang ang layo sa Bahay ng Pagbabago (dating Bahay Pangarap) sa Malacañang Park. Nangako si Pres. Du­terte sa mga mediamen sa “once a month” na press conference matapos na sabihin nito noon sa Davao City na hindi na siya magpapaunlak ng anumang pulong balitaan hanggang sa matapos ang kanyang termino.

“Alam mo, ganito, wala na akong hinahabol, nandito na ako eh. Nakornihan naman ako, wala na akong habulin. Kaya ako, maski may media o wala, para sa akin I do not need it,” dagdag pa ni. Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with