Duterte bababaan ang corporate, personal tax
MANILA, Philippines — Ang reporma sa corporate at personal tax ang isa sa mga nais solusyunan ni Pres. Rodrigo Duterte, na ipinahayag niya sa kanyang unag State of the Nation Address ngayong Lunes.
"We will lower personal and corporate income tax rate," pahayag niya sa kanyang SONA na ginawa sa plenary hall ng House of Representatives.
Paliwanag ng pangulo, kailangan daw na mayroong "sufficient income" ang mga manggagawa upang maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan, nakasaad sa National Internal Revenue Code na ang income tax brackets para sa kumikita ng P500,000 at higit pa kada taon ay mayroong 32 percent na deduction. — Ulat mula kay Camille Diola; Video inedit ni RP Ocampo
- Latest