^

Bansa

SB ‘di na tatakbo sa minorya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinal na ang desisyon ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte na hindi na tatakbong minority leader sa Kamara at sa halip ay tuluyan ng makikipag-koalisyon sa ruling party na PDP-Laban.

Ayon kay incoming House majority leader  Rodolfo Farinas ng Ilocos Norte, sa kanilang palitan ng text message ni Belmonte ay kinumpirma sa kanya na tuloy na ang pakikipag-coalition nito sa PDP-Laban. Kaya kagabi ay pormal nang lumagda sa isang coalition agreement sa isang Hotel sa Makati si Belmonte na kinatawan ng Liberal Party (LP) at Incoming House Speaker Pantaleon Alvarez kasama ang iba pang miyembro at opisyal ng dalawang partido.

Noong Sabado kinumpirma ni Belmonte na nilaglag na niya ang naunang plano na pagsabak sa speakership race ngayong unang araw ng pagbubukas ng 17th Congress na siya ring kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ng dating Speaker na kinonsulta niya ang mga miyembro ng LP sa nasabing hakbang tulad ni dating Pangulong Aquino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with