^

Bansa

FOI lalagdaan bago ang SONA – Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro kahapon ng Malacañang na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order tungkol sa Freedom of Information (FOI) bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar.

Sinabi ni Sec. Andanar, lagda na lamang ni Pa­ngulong Duterte ang kailangan upang ganap nang maipatupad ang EO ukol sa FOI.

Nasa Mindanao si Pangulong Duterte para bisitahin ang puwersa ng mga sundalo. Unang binisita nito ang mga sundalo sa Basilan, Zamboanga City at kahapon ay sa Maguindanao naman.

Kabilang ang FOI sa pangako ni Pangulong Duterte noong presidential campaign kapag nanalo ito upang maging bukas sa publiko ang gobyerno para patunayan ang transparency nito.

Hindi nakapasa ang FOI bill sa nakaraang Kongreso kahit ito rin ang “battle cry” noong 2010 ni dating Pa­ngulong Benigno Aquino III.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with