^

Bansa

Bato sa mga tiwaling pulis: Sumuko na kayo o magtutuos tayo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umupo na bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes ang ngayo’y Police Director General Ronald "Bato" dela Rosa kung saan binalaan niya ang mga tiwaling pulis.

Sinabi ni dela Rosa na magiging malupit siya sa paglilinis ng hanay ng kapulisan kasabay ng kanilang kampaniya na masugpo ang krimen at ang ilegal na droga sa bansa.

"In our fight against drugs, criminality and corruption it is either you are with or you are not with me. If you are with me the let's do it but if you are not with me then you are finished," wika ng pinakabagong hepe ng PNP.

Naging partikular si dela Rosa sa mga pulis sa Metro Manila na aniya’y karamihan ay kabilang sa kalakaran ng ilegal na droga at iba pang krimen.

"I am giving you 48 hours to voluntarily surrender to me at ilahad ninyo sa akin ang lahat. Otherwise mag-AWOL na lang kayo, mag-full time drug lord na lang at makipag-gyera na lang kayo sa amin," banta ng pinuno na kilala sa tawag na “Bato.”

Nabanggit din niya ang kaniyang katapatan sa ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na kasama na niyang lumalaban sa krimen at droga mula pa noong 1986 sa Davao City.

"Hindi ko po masisikmura ang bagong kalakaran ngayon na ang bagong yabangan ngayon sa mga kotong na pulis ay hindi na po magkano ang kanyang nakokolekta sa illegal gambling kundi magkano ang kanilang koleksyon sa illegal drugs. I am telling you this—this has to stop right now or I will stop you from enjoying your evil life. I promise you, change is coming including your birthday which will be changed to November 2.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with