^

Bansa

Bongbong nagprotesta sa PET

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang araw bago pormal na manumpa si outgoing Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang bagong bise presidente ng bansa, personal na naghain ng election protest sa Korte Suprema si Senator Ferdinand “Bong­bong” Marcos Jr. na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) dahil sa umano’y iregularidad sa resulta ng nakalipas na May 9 national elections.

Nasa 1,000 pahina ang petisyon na inihain ni  Marcos, kasama ang mga abogado kabilang si Atty. George Garcia, at iba pang kaalyado na maagang nagbarikada sa Korte Suprema kahapon.

Hiling  sa petisyon  na isantabi ang proklamasyon ni  Robredo at ideklarang nanalo bilang elected Vice-Pres, ng Republic of the Philippines si Bongbong  Marcos.

Makapal ang isinumiteng dokumento na naglalaman ng  20,000 pahinang affidavits, Certificates of Canvass  at iba pang supporting documents, na  itinuturing na ‘ convincing evidence’ sa maituturing anila, na ‘biggest electoral fraud ‘ sa kasaysayan ng bansa.

Naniniwala ang kampo ni Marcos na nagkaroon ng malaking operasyon at sabwatan upang ganap na manalo si Robredo, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng boto habang nabawasan naman sa kanya.

 Saklaw ng petisyon ang kinukuwestiyon ni Marcos na naging resulta sa 39,221 clustered precincts sa 25 lalawigan at 5 highly urbanized cities  sa bansa.

Tatlong bahagi ani Marcos, ang nasabing petisyon-una, ang “flawed” Automated Election System [AES];  ikalawa, ang “traditional” na paraan ng pandaraya gaya ng vote buying, pre-shading, intimidation at failure of elections, at iba pa at ang ikatlo ay ang hindi otorisadong pakikialam ng isang Marlon Garcia ng Smartmatic o pagpapalit ng  hash code (or a new script / program) sa Transparency Server .

Ibinatay aniya, ang petisyon sa mga testimonial at documentary evidences kaugnay sa mga nilabag na batas ng Comelec at Smartmatic.

Sinabi naman ng kampo ni Robredo na  inasahan na nila na maghahain ng protesta si Marcos sa SC.

Ayon kay Robredo, mas mabuti na rin ang ginawa ni Marcos dahil mahirap kung idadaan lang sa media ang naturang usapin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with