^

Bansa

‘Impeach Duterte’ tsismis lang – SB

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na tsismis lamang ang umugong na planong impeachment laban kay President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Belmonte, walang katotohanan at intriga lamang ang planong pagpapatalsik sa pamamagitan ng impeachment kay Duterte kaya hinikayat nito ang bagong Pangulo na huwag mag-isip tungkol sa nasabing isyu.

Giit pa ni Belmonte, hindi umano nito alam kung saan nanggaling ang salitang impeachment at ang tsansa umanong mangyari ito ay “zero” dahil wala namang nag-iisip nito.

Kaya panawagan ng Speaker, bigyan ng pagkakataon ang bagong Presidente na pamunuan ang bansa nang walang usapang impeachment o kahalintulad nito na luma­labas mula sa anumang political party o kanino man.

Paliwanag pa nito, marami na umano siyang napagdaaan kaya siniguro ni Belmonte na malabong magtagumpay ang planong impeachment sa ilalim ng bagong administrasyon ni Duterte.

Matatandaan na una ng sinabi ni Duterte na tutuparin niya ang lahat ng kanyang ipinangako sa taumbayan noong nangangampanya siya kahit ito ay mangangahulugan pa ng impeachment niya.

Ang pahayag ni Belmonte ay ginawa nito matapos na mag-donate sa Kamara ng 1955 bronze sculpture ni Dr. Jose Rizal at ng orihinal na kopya ng 1935 Philippine Cons­titution.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with