Hirit ni Jinggoy tinabla muli
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng detention cell para makapag-administer ng oath-taking sa anak nitong si San Juan City Vice Mayor Janella Estrada.
Sa resolution ng Sandiganbayan Fifth Division, tumanggi ito sa nais ni Estrada na makalabas para pangasiwaan ang oath-taking ni Janella sa Hunyo 28.
Nakasaad sa petition ng Senador na ang kahilingan nito na mag-administer ng oath ng anak ay huling official act na nito bilang isang Senador.
Subalit sinabi ng Anti Graft court na ang mga preso at detainess ay pinapayagan lamang na lumabas kapag mayroong emergency o compelling reasons subalit ang kahilingan ni Estrada na makapag-administer ng oath ay “purely personal” lamang at kapag pinayagan ito ay baka maalipusta lang ang hustisya.
Giit pa ng Sandiganbayan na ang oath-taking ni Janella ay maaari namang gawin sa detention cell ng Senador o ng kahit sinong kwalipikadong tao.
- Latest