^

Bansa

Bautista ‘di magbibitiw

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan kahapon si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng paratang na “failed leadership” laban sa kanya ng mismong mga kasamahan sa Comelec en banc. 

Ayon kay Bautista, walang dahilan para iwan niya ang kanyang puwesto gayong naging maayos, matagumpay at mapayapa naman ang nagdaang eleksyon. 

Batid umano ni Bautista na hindi dapat maging balat sibuyas ang mga nagsisilbi sa gobyerno pero hindi naman dapat lumabas na sila ay kapit-tuko sa puwesto. 

Handa rin umano si Bautista na humarap sa exe­cutive session, pero ayaw lamang umano niya na nagkakaroon ng bulyawan sa pagpupulong. Dapat daw kasi ay may respeto at propesyunal ang pakikiharap sa pagpupulong. 

Unang sinabi ni Bautista na posibleng magkaharap-harap sila sa itinakdang pagpupulong ng en banc ngayong araw.

Aniya, hindi rin  tama ang lahat ng mga nakasaad sa memorandum laban sa kanya na pirmado ng anim na commissioner, at ilan sa mga isyung nakalagay doon ay nasagot na umano niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with