Belmonte tiwala na walang re-enacted budget
MANILA, Philippines - Tiwala si outgoing House Speaker Feliciano Belmonte na hindi magiging re-enacted budget ang unang national budget sa ilalim ng Duterte administration.
Ito ay kahit plano pa ni incoming budget Secretary Benjamin Diokno na isumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2017 proposed budget sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo matapos ang unang State of the Nation Address (SONA ) ni Duterte.
Suportado ni Belmonte ang planong ito ni Diokno dahil natural lamang na mangailangan ng sapat na panahon ang Gabinete ni Duterte para pag-aralan ang bawat item sa isusumiteng 2017 national budget.
“It is not only our responsiblity in Congress to look into each item of the detailed economic program, but also to ensure the necessary funding will be available to fully implement the agenda for the welfare of the people and nation”, ayon pa kay Speaker.
Giit pa nito, kailangan umanong kapado nila ang budget para epektibong maidepensa sa mga mambabatas. Kaya naman aniya ng Kongreso na mag-adjust ng timetable para sa pagdinig ng House appropriations committee para hindi maantala ang pagpapatibay ng budget at maiwasan ang re-enacted budget.
- Latest