^

Bansa

Pagmumura ni Duterte sa radio, TV pinuna ng MTRCB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag­kabahala ang pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa ginagawang pagmumura ni incoming President Rodrigo Duterte sa mga interview sa kanya sa radyo at telebisyon.

Ayon kay Jojo Solomon, board member ng MTRCB, ang mga pagmumura ni Duterte ay maaa­ring magbigay daan para malagay sa alanganin ang operasyon ng isang  TV at radio networks.

May kaukulan anyang parusa ang sinumang TV o radio networks na naisasama sa pag ere ng interview kay Duterte ang pagmumura nito .

Sinabi ni Solomon, buong sambayanan ang nakikinig ng radyo at nanonood ng TV lalo na ang mga kabataan. Ang ginagawang pagmumura umano ni Duterte habang ine-ere ay may malaking epekto sa mga nanonood at nakikinig lalo na ang mga bata.

Binigyang-diin na ang MTRCB ay may mandato ito na kontrolin ang pag-eere ng mga pangit na pananalita at magparusa sa mapapatunayang nagkasala.

Aniya, dapat limitahan ni Duterte ang pagmumura sa kanyang mga interview sa media dahil maraming kabataan ang nakakarinig nito.

Si Duterte ay nakakapagmura umano minsan sa kanyang pananalita sa interview ng media kapag siya ay nagagalit laban sa mga taong hindi gumagawa ng mabuti tulad sa mga gumagawa ng karuma-dumal na krimen at sangkot sa illegal drugs.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with