Akyat-bahay utas sa shootout
BULACAN, Philippines – Bulagta ang isa sa tatlong miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa sa tatlong napatay habang tugis naman ang dalawang nitong kasamahan.
Sa ulat ni P/Supt. Reniel Valones na isinumite sa Camp Alejo Santos, rumesponde ang mga pulis sa tinukoy na bahay na inakyat at pinagnakawan ng tatlo.
Gayunman, namataan ang tatlo na naglalakad kaya tinangkang sitahin ng pulisya subalit pumalag at nanlaban ang tatlo. Napatay naman ang isa habang nakatakas ang dalawa.
Nabatid na nilooban ng tatlo ang bahay ni Clarra Tamayaw sa nasabing barangay kung saan nalimas ang malaking halaga.
Narekober naman sa crime scene ang isang sumpak, granada at ilang plastic sachet ng shabu.
- Latest