^

Bansa

Sa pagbubukas ng klase sapat na classroom tiniyak ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Education Sec. Armin Luistro na may sapat na classroom na gagamitin ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 13 lalo na ang mga papasok sa Grade 11.

Ayon kay Sec. Luistro may 30,000 bagong silid-aralan ang naipatayo ng DepEd na madaragdag sa mga dati ng classroom na siyang gagamitin ng mga estudyante na papasok ngayong school year 2016-2017.

Sinabi ng Kalihim, kabuuang 1.2-milyong estudyante ang kayang i-accomodate ng 30,000 bagong silid aralan kung 40-mag-aaral ang ratio sa bawat classroom.

Aniya, kung mayroong ‘congested school’ na hindi na kayang makapasok sa isang paaralan ay ililipat nila sa mas maluwag upang maging kombinyente ang kanilang pag-aaral. Hinikayat ang mga mag-aaral na papasok sa Grade 11 na maagang mag-enroll sa mga paaralan na malapit sa kanilang lugar na K to 12 ready.

Umapela si Luistro sa mga mga Grade 11 completers na mag-enrol na dahil binibigyan prayoridad ang school at program preference ng mga maagang mag-eenrol bago nila bigyang akomodasyon ang mga late enrollees.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with