^

Bansa

PAGASA: Tag-ulan na, hanggang 17 bagyo inaasahan

Pilipino Star Ngayon
PAGASA: Tag-ulan na, hanggang 17 bagyo inaasahan

MANILA, Philippines – Kahit hindi pasok sa kanilang pamantayan, idineklara na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng tag-init at ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni Esperanza Cayanan ng weather division ng state weather bureau na kadalasan ay tatlo hanggang limang magkakasunod na araw na may ulan ang kanilang hinihintay bago magdeklara ng tag-ulan, bukod pa rito ang pagkakaroon dapat ng 25 millimeter na dami ng ulan sa walo nilang istasyon.

“As you can see, cloud clusters are now covering most areas in the Philippines and more are coming. This is a classical manifestation of the onset of the rainy season,” wika ni Cayanan.

 “Kung kukwentahin natin, not totally 100 percent nakuha 'yung criteria (for rainy season announcement) na kailangan.  In-assess na po natin for the next three to five days weather, kaya inagahan na po namin ‘yung pag-announce,” dagdag niya.

Ilang lugat sa Zambales at Bataan ang isinailalim sa yellow rainfall warning kagabi, habang may mga lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa pagbuhos ng ulan.

 “Nakikita na po kasi natin ‘yung impact (of the rain),” sabi pa ni Cayanan.

Samantala, sinabi naman ni PAGASA Assistant Weather Services chief Anthony Lucero na below normal pa naman ang dami ng ulan.

Napag-usapan din ang kanilang inaasahang bilang ng bagyong daraan sa bansa gayung inaasahan ang La Niña kapalit ng El Niño.

“Tungkol po sa bagyo, nagtatapos na po ang ating El Niño and papasok na ang La Niña. Our forecast up to October is 8 to 17 ‘yung tinatayang number of cyclones,” paliwanag ni Cayanan.

Aniya wala pa silang forecast sa bilang ng bagyo mula Nobyembre at sa mga susunod na buwan nito.

 

vuukle comment

HERMèS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with