^

Bansa

Si Poe lang ang puwedeng tumalo kay Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatiling si Sen. Grace Poe lamang ang maaa­ring tumalo kay Davao City Mayor Rodrigo Dutere na syang nangunguna sa mga survey ng mga kumakandidato sa pagka-pangulo.

Ayon sa tagapagsalita ni Poe na si re-electionist Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, malaki pa rin ang tsansa ni Poe na pigilan si Duterte na maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa batay sa mga pinakahuling survey. Sa survey ng Pulse Asia kamakailan, lumalabas na 41 porsyento ng mga botante ni Mar Roxas ang boboto kay Poe sakaling umatras sa laban ang dating kalihim ng DILG.

“Sa ating mga kaba­bayan, sa pagnanais nating baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng bansa, kami’y nakikiusap na huwag nating gamitin ang darating na eleksyon para magbulag-bulagan sa pangako ng mga politiko na ang karanasan ay mas malala pa sa mga taong nais nilang palitan sa pwesto,” ani Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, si Poe pa rin na nagsusulong ng “Gobyernong may Puso” ang may pinakamagandang plataporma para solusyunan ang mga problemang kinakaharap ng mga ordinaryong Pilipino na nagha­hangad ng pagbabago at pag-angat ng kanilang kalagayan sa lipunan.

“May mga makabuluhan at mahahalagang hakbang para magdulot ng pagbabago na nais nating mangyari sa ating bayan, sa mundo ng pulitika at sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ngunit ang isa sa mga paraan na hindi dapat gawin ay ang maghalal tayo ng kandidato na walang respeto sa mga kababaihan, hindi tapat kaugnay sa kanyang personal na pananalapi, at nagmumura sa harap ng publiko na tila isa itong normal at mabuting gawain,” paliwanag ni Gatchalian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with