^

Bansa

Lim nanindigang tapat sa Liberal Party

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyang-diin kahapon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na nananatili siyang tapat sa Liberal Party (LP) at sa presidential bet nilang si Mar Roxas na pumili sa kanya bilang kandidato para alkalde ng Maynila.

Bagama’t tinanggap niya ang suporta ni BUHAY Partylist Congressman Lito Atienza at anak nitong si incumbent fifth district Councilor at vice-mayoral candidate Ali Atienza ay wala aniyang, kinalaman sa kanyang pagiging tapat sa partido.

Giit niya na walang kan­didato na nasa ta­mang pag-iisip ang tatanggi sa anumang suporta o tulong mula sa lahat ng uri ng grupo o sektor, maging kakampi man o taga-oposisyon.

Inihalimbawa pa ni  Lim ang nangyari mismo kay LP standard bearer Mar Roxas na aniya ay hindi maaring sisihin sa pagtanggap ng endorsement ni San Juan Mayor Guia Gomez, sa kabila nang si Gomez ay hindi naman taga-LP at asawa ni dating President Joseph Estrada na taga-oposis-yon. Si Gomez ay kaanib ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Estrada at ng United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jojo Binay.

“Hindi porke tinanggap ni LP presidential bet Mar Roxas ang suporta  ni Mayor Guia na taga-oposisyon, ibig sabihin ay bumaligtad na ito sa partido. Gayundin, di porke tinanggap ko ang suporta ng mga Atienza eh bumaligtad na din ako sa partido.  Pag sinabing bumaligtad, tumiwalag ako sa partido o kaya lumipat ng partido,” ani Lim, kasabay ng pahayag na isa siyang tapat na miyembro ng LP bago pa man ma-ging miyembro ng partido si Asilo at ni minsan umano ay hindi siya bumaligtad o nang-iwan ng partido.

Idinagdag pa ni Lim na bago niya tinanggap ang suporta ng mga Atienza ay may mga ‘Estrada-Asilo’ materials nang kumakalat sa Tondo at mga balitang nakikipag-usap din ito kay Rep. Amado Bagatsing pero ni hindi niya tinanong si vice mayoral candidate Rep. Benjamin Asilo ukol dun.

“Marami ngang taga-LP ang nagtatanong nung LP proclamation rally sa Plaza Miranda kung bakit pare- hong naka-orange na sapatos si Asilo at kapatid nitong kandidato din ng LP pag-akyat ng entablado, pero sabi ko, baka nagkataon lang,” dagdag pa ni Lim.

May ilang buwan nang nakalilipas ay kinausap na umano niya si Asilo upang pag-isipang mabuti ang kanyang kandidatura, lalupa’t pare-pareho ang ipinakikita ng mga survey na palagiang kulelat ito, kundi pangatlo ay pang-apat.

Sa mga naturang surveys na kinabibilangan ng mga isinagawa ng opposition camps gaya ng  UNA at PMP, sina Lim at Ali ang palagiang nangunguna nang may malaking kalamangan sa kanilang mga kalaban.

Ito, ani Lim, bukod pa sa matinding public clamor para sa isang ‘Lim-Atienza’ tandem sa Maynila, ang siyang nagbunsod sa kanya upang tanggapin at ibalik ang suportang ibinibigay     ng mga Atienza.

Inihayag ni Congressman Atienza na maging ang kanyang anak na si  Konsehal Ali ay walang ineendorsong alkalde kundi si Lim lamang, dahil hindi umano maituturing na ser-yosong kandidato si Rep. Amado Bagatsing dahil hindi umano ito kumakampanya at nagpahayag pa na siya (Bagatsing) at si Estrada ay hindi magkaaway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with