^

Bansa

Kaso vs BSP, AMLAC isasampa ni Duterte

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang inihayag kahapon ni presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na kanyang kakasuhan ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council (AMLAC) dahil sa “criminal negligence” matapos ang pag-leak ng mga dokumento sa kanyang bank accounts kasunod ng alegasyon ni vice presidentiable  Senator Antonio Trillanes IV na may  P2.4 bilyong nakadeposito sa iba’t ibang bank accounts ng alkalde kabilang na ang P211 milyon na nakadeposito sa Bank of Philippine Islands (BPI).

Bago ang round table interview ng mga editors ng Philippine Star  kay Duterte, sinabi nito sa pulong balitaan na inaakusahan niya ngayon ang BSP at AMLAC ng “criminal leak”.

Hinamon ni Duterte ang BSP at AMLAC na patunayan na “dirty money” ang kanyang pera sa bangko.

Kinuwestyon ni Duterte ang BSP at AMLAC kung bakit ngayon lamang kinakalkal ang kanyang rekord na mahigpit na ipinagbabawal sa bank secrecy law.

Aniya, kung talagang galing sa illegal ang sinasabing milyun-milyong pera na nakadeposito sa kanyang account, dapat umanong nagsagawa na ng imbestigasyon ang BSP at AMLAC upang sabihin ito ay “dirty money”.

Kasabay ng hamon, iprinisinta ni Duterte sa media ang sertipikasyon na may petsang Mayo 3, 2016 mula  sa BPI Julia Vargas Avenue branch ng kanyang savings account #2433069539 na nagpapatunay na walang P211 milyong laman ito taliwas sa akusasyon ni Trillanes.

Sinasaad sa “bank certification of deposit” nina Duterte at anak na si Sara na mula Marso 31, 2014 na tanging P17,816.98 ang kabuuang laman nito.

Hindi kabilang sa nakasulat sa sertipikasyon ang araw o petsa Marso 28, 2014, araw ng kaarawan ni Duterte na binabanggit  ni Trillanes na nagkaroon ng milyung-milyong deposito ang Duterte joint account.

Dahil sa maraming naghulog sa naturang bank account, upang maberipika na talagang aktibo ito,  sinabi ni Duterte na mula sa mahigit 17-libong piso na laman nito,  umaabot na sa mahigit P128,829.00 ang kabuuang deposito nito.

Ang isa pang dollar account ni Duterte na kinuwestyon naman ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas ang iprinisinta na may kabuuang laman na mahigit $5,000 nitong Mayo 3, 2016.

“Kung gusto niya (Roxas) kainin niya o ipakain ko sa kanya ito (dollar bank certification),” prangkang pahayag ni Duterte para kay Roxas. Nais pa ni Duterte na kunin ni Roxas ang 10 dolyar na idineposito nito sa kanyang dollar account.

Sinabi ni Duterte na sad­yang ginamitan niya ng taktika si Trillanes nang sabihin nito na mas mababa sa P211 milyon ang naka-deposito sa kanyang savings account upang masukol ang una na mali ang mga paratang nito.

Base sa kanyang affidavit, inakusahan ni Trillanes si Duterte na tinatagong yaman na P2,407,272,103.75 na naka-deposito sa iba’t ibang accounts ng alkalde mula 2006 hanggang 2015. Bukod sa bank accounts, sinabi ni Trillanes na marami ring tagong property si Duterte. Na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Una na ring itinanggi ng BSP at AMLAC na sa kanila galing ang mga dokumentong nakuha ni Trillanes. Iginiit ng BSP at AMLAC na hindi sila ang source ni Trillanes sa mga leak documents.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with