^

Bansa

Peña iwas pusoy uli kay Abby

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pangalawang pagkakataon, inisnab ni acting Makati City Mayor Romulo ‘Kit’ Peña ang isang forum para sa mga lokal na kandidato sa lunsod.

Hindi siya lumitaw sa forum na inorganisa ng St. John Bosco Parish Pastoral Council for Res­ponsible Voting (PPCRV) for political candidates sa Makati noong Sabado, Abril 30.

Daan-daang parishioner mula sa San Lorenzo at Pio Del Pilar ang dumalo sa okasyon na nagbigay-daan para makapagpakilala ang mga lokal na kandidato at iharap ang kanilang mga plataporma de gobyerno at programa.

Dumalo sa forum ang kandidatong mayor na si Rep. Abigail Binay, runningmate niyang si Monique Lagdameo at lahat ng lokal na mga kandidato ng United Nationalist Alliance. Naroon din ang mga independent candidates para sa Congress at mayor.

Ikinalungkot ni Binay ang pag-iwas ng kanyang kalaban sa candidate’s forum na inorganisa ng mga pribadong grupo at church-based organization sa Makati. Unang inis­nab ni Peña ang itinakda sanang debate nila ni Binay sa Makati City Sports Club noong Abril 27.

Kapwa kumakandidatong alkalde sa Makati City sa halalan sa Mayo 9 sina Binay at Peña.

“Sa pangalawang pagkakataon, hindi binigyang halaga ang pagharap at pagpapahayag sa mga taga-Makati ng kanyang mga programa. Inuulit ko, ito ay malaking responsi­bilidad na dapat gampa­nan. Kailangang malaman ng mga taga-Makati kung ano ang ating nagawa na at ano ang ating gagawin pa nang sa gayon ay may sapat silang basehan sa darating na eleksyon,” paliwanag ni Binay.

Si Rep. Binay na anak ni Vice President Jejomar Binay ay naunang nagpahayag ng kanyang programa sa trapiko, peace and order at informal settlers.

Sa trapiko, isinulong ng batang Binay ang pagkakaroon ng unang subway system ng Makati sa Pilipinas. Para mapalakas ang peace and order, pinaplano ni Binay na maging isang fully functional at operational wi-fi city ang Makati.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with