PNoy nakipagkita sa INC
MANILA, Philippines - Nakipagkita si Pangulong Aquino sa lider ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quezon City kahapon ng umaga upang magpaalam at magpasalamat kay Executive Minister Ka Eduardo Manalo.
Personal na nakipag-usap ang Pangulo kay Ka Eduardo ng INC upang magpasalamat sa naging suporta nito sa kanyang 6 na taong pamumuno sa bansa.
“First, nagpapasalamat muna ako dahil talaga namang nadama natin ang suporta throughout the administration and even before I have been in office. Tapos parang sharing also the vision of sana what happens after I step down from office, usual appeals and political appeals,” wika ni PNoy.
“As usual maganda ang pagkatanggap sa atin ni Ka Eduardo, I have no complaints but to say thanks for all the support,” dagdag ng Pangulo matapos lumabas sa central office ng INC sa Quezon City.
Wala pang pormal na inihahayag ang liderato ng INC kung sino ang susuportahan nitong presidential candidate sa May 9 elections.
- Latest