^

Bansa

Edukasyon panlaban sa kahirapan - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na ang edukasyon ang pinakamalaking sandata sa pagsugpo sa kahirapan kaya’t plano nila ni Sen. Grace Poe na paigtingin pa ang polisiya sa “study now, pay later” at scholarship program sa state universities and colleges (SUCs).

Sa pagbisita niya sa probinsiya ng Isabela noong Martes, binigyang-diin ni Escudero na libre nang makapag-aaral ang mga estudyante sa SUCs kung sakaling masungkit nila ni Poe ang susunod na pamunuan ng gobyerno.

Karugtong nito, aniya, ay ang pagpapalakas ng “study now, pay later” program at ng UniFast law na nagbibigay ng scholarship sa mga gustong mag-aral at makatapos sa pribadong paaralan kahit hindi mga honor student o matataas ang grado.

“Armas natin ang edukasyon laban sa kahirapan,” pahayag ni Escudero. “Plano namin sa ilalim ng Gobyernong may Puso ni Sen. Grace na magbigay pa ng mas maraming scholarship upang mas marami rin ang makatapos at maiangat ang kanilang kabuhayan.”

Upang maipatupad ito, magdadagdag ang Gobyernong may Puso ng P12.4 bilyon pa sa badyet ng SUCs upang madagdagan ang bilang ng mga estudyanteng makapag-aaral.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with