^

Bansa

Robredo, mas kinatigan ng mga botante

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala ang isang political analyst na lubhang nakaungos si LP vice presidential candidate Leni Robredo sa mga pinaka­bagong survey dahil sa maayos niyang paglalahad ng plataporma sa mga isinagawang debate na napanood ng sambayan.

“Noong tinanong siya kung ano ang mga pagkukulang ng pamahalaan, ina-admit niya ang pagkukulang ng pamahalaan. Ina-admit niya na may pagkakamali,” pahayag ni  Prospero De Vera, beteranong political analyst at professor.

Ayon kay De Vera, ikinalugod ng mga botante ang binitiwang pahayag ni Robredo kung saan inamin niyang malaki ang pagkukulang ng pamahalaan, sa kabila ng pagtatangka nitong isaayos ang mga programa sa lahat ng sector, higit ang lumalalang suliranin sa trapiko at mass transit system sa Kamaynilaan at karatig lalawigan.

Aniya, ang pagtanggap sa kamalian at determinadong pamumuno para maisaayos ang mga ito ay isang pagkakataon kay Robredo para maiparating sa mamamayan na handa siyang makinig at umunawa sa kanilang kalagayan.

Iginiit pa ni De Vera, na malaking bilang ng mga ‘undecided voters’ ang nakuha ni Robredo sa mga nakalipas na pagharap niya sa masang Pinoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with