^

Bansa

Negosyante dismayado kay Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Dismayado” umano ang malalaking grupo ng mga negosyante sa bansa sa pangunguna ng Makati Business Club (MBC) at Management Association of the Philippines (MAP) kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos mabigong ilahad sa kanila ang kanyang mga plano para sa kabuhayan at ekonomiya sa kanilang pagpupulong noong Miyerkules.

Ayon kay MBC president Ramon del Rosario Jr., nabigo sila sa kanilang “inaasahan” na tatalakayin ni Duterte ang kanyang mga polisiya hinggil sa papel ng pribadong sektor at mga bagong oportunidad sa pamumuhunan at sa kontrobersiyal na isyu ng “endo” o ‘labor contractualization.’

Sa halip, mga “salitang-kanto” ang narinig ng mga negosyante sa higit isang oras nitong pagsasalita sa kanila at ang kanyang pagtatanggol sa bintang na pagiging babaero at ang paggamit niya ng ‘Viagra.’

Sabi ni MAP president Perry Pe, inaasahan din umano nila na tatalakayin ni Duterte ang mga problema sa agrikultura at paano magiging madali ang pagtatayo ng negosyo subalit ang tinalakay ng alkalde ay ang isyu ng kriminalidad.

Sa nangyari, hindi naiwasan ng mga negosyante na ikumpara si Duterte sa mga katunggali nitong sina Mar Roxas at Sen. Grace Poe na anila ay higit na nakapaglahad ng kanilang mga plataporma upang tulungan ang mga business groups.

Hindi rin nasagot ni Duterte ang mga katanungan ng business group hinggil sa kanyang ipinahayag na pagputol sa diplomatic ties sa Australia at United States kapag nanalo siya sa May 9 elections dahil kinastigo siya ng embahador ng dalawang bansa nang gawin niya ang rape joke tungkol kay Jaqueline Hamill habang nangangampanya sa Kalibo, Aklan.

Kung gagawin ni Duterte na putulin ang ugnayan, mawawalan ang Pilipinas ng mahigit $26.4 billion o P1.233 trilyon mula sa pinagsamang investment ng Australia at Amerika sa bansa.

Hinamon naman ng kampo ni Sen. Grace Poe ang ka-tandem ni Duterte na si Sen. Alan Peter Ca­yetano na “maglabas ng ebidensiya” na “binayaran” ni Poe si Sen. Antonio Trillanes upang ilabas ang umano’y ‘hidden wealth’ at mga ‘secret bank account’ ni Duterte na sinasabing naglalaman ng higit P200 milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with