^

Bansa

PNoy: Abu durugin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Matapos pugutan ang bihag na Canadian

MANILA, Philippines – Galit na iniutos kahapon ni Pangulong Aquino sa joint PNP-AFP task group na durugin at pulbusin na ang teroristang Abu Sayyaf sa Mindanao na nasa likod ng pamumugot ng ulo sa bihag nitong Canadian national.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos pugutan ng grupo ang Canadian hostage na si John Ridsdel na dinukot sa Samal Island noong September 2015.

Bukod kay Ridsdel, hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang isang Canadian, isang Pinay at isang Norwegian.

Ayon kay PCOO Sec. Sonny Coloma, Jr., inatasan ng Pangulo ang security forces na ipatupad ang full force of the law o kamay na bakal laban sa Sayyaf para mapanagot sa insidente.

Nakikiramay naman ang Malacanang sa pa­mahalaang Canada at sa pamilya ni Ridsdel sa sinapit ng dayuhan mula sa kamay ng ASG.

“We extend our deepest sympathy and condolences to the Canadian government and to the family of Mr. John Ridsdel who died in the hands of ASG bandits,” dagdag ni Coloma.

Kinansela ni PNoy ang trip nito kahapon patu­ngong Dipolog City, Zamboanga del Norte para sa governance at campaign ng Roxas-Robredo tandem upang bantayan lamang ang magiging resulta ng military operations laban sa ASG.

Nagbabakasyon lamang si Ridsdel sa Samal island ng dukutin kasama ang 3 iba pang turista sa Davao noong September 2015.

Nagbanta ang ASG na pupugutan ang Canadian national kapag hindi nagbayad ng ransom hanggang sa natagpuan ang ulo nito sa kalsada sa Jolo, Sulu ng mga sundalo 5 oras matapos mag-expire ang ibinigay na ransom deadline ng ASG.

Ang hinihinging ransom kapalit ng kalayaan ni Ridsdel ay P300 milyon ($6.4 m) gayundin sa 3 bihag pa ng mga ito.

Mariing kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang ginawang pamumugot sa kanilang Canadian national ng ASG matapos na hindi makabayad ng ransom.

“Canada condemns without reservation the brutality of the hostage-takers and this unnecessary death. This was an act of cold-blooded murder and responsibility rests squarely with the terrorist group who took him hostage. The government of Canada is committed to working with the government of the Philippines and international partners to pursue those responsible for this heinous act,” wika ni Trudeau.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with