^

Bansa

Biazon kinasuhan sa PDAF

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patong-patong na kaso ang inihain sa Sandiganbayan laban kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon kaugnay sa umano’y hindi tamang paggamit ng Priority Assistance Development Funds o PDAF nito na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Mga kasong graft, malversation of public funds at direct bribery ang isinampa laban kay Biazon at sa mga kapwa akusado nito na sina dating ERC chairman Zenaida Ducut at negosyanteng si Janet Lim Napoles at ilang opisyal ng DBM.

Base sa reklamo, noong Oktubre 2007 umano inindorso ni Biazon ang NGO ni Napoles sa Philippine Social Development Foundation Inc, para sa livelihood sa ilang barangay sa Muntinlupa sa kabila na hindi ito kwalipikado.

Bukod dito hindi rin umano dumaan sa public bidding at wala rin natuloy na proyekto.

Nakatanggap umano ng komisyon at kickback si Biazon sa pamamagitan ni Ducut mula naman kay Napoles.

Batay naman sa impormasyon ng Ombudsman kaugnay sa kasong direct bribery, tumanggap umano si Biazon mula kay Napoles ng mahigit P1 milyon.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P90,000 para sa piyansa ni Biazon.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with