Gatchalian, pasok sa ‘Magic 12’ sa Pulse Asia
MANILA, Philippines – Si Nationalist Peoples Coalition (NPC) senatorial bet Sherwin “Win” Gatchalian, na natatanging kandidato sa Grace Poe-Chiz Escudero, ang may malaking tiyansang manalo at mapabilang sa tinaguriang ‘Magic 12,’ base sa January 24-28 Pulse Asia survey.
Sa naturang survey, si Gatchalian ay kasama nina re-electionist Sen. Teofisto Guingona III at dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros na nasa rank 11 hanggang 13.
Kapwa mayroong 41.1 percent voter’s preference sina Guingona at Hontiveros, habang si Gatchalian ay nakakuha ng 37.7 percent, kaya itinuturing siyang ‘statistically tie’ sa dalawang administration candidates.
Ayon sa Pulse Asia, ang 13 kandidato (nasa ranked no. 13 si Gatchalian) sa kabuuang 54 na kabilang sa listahan ng Commission Elections (Comelec) na lumabas noong Enero 20, ay mayroong ‘statistical chance’ na pumasok sa Magic 12.
Kaya naman si Gatchalian, ang kandidato na tinaguriang “exclusive candidate” sa Partido Galing at Puso (PGP), ang may pag-asang manalo at mapasama sa 12 senador na ihahalal sa nalalapit na May 9 polls.
Bago sumabak sa senatorial race, si Gatchalian ay kasalukuyang second-term congressman at naging three-termer mayor ng Valenzuela City.
Kabilang sa mga adbokasiyang isinusulong ng naturang NPC senatorial bet ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat gayundin ang pagsusulong sa karapatan at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng OFWs.
- Latest