^

Bansa

Importanteng bills may pag-asa pa - Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maipapasa pa rin ng kasalukuyang 16th Congress ang mga naka­binbing mahahalagang bills, ayon kay Rep. Leni Robredo na pambato sa pagka-bise presidente ng partido Liberal.

Aniya, hindi siya na­wawalan ng pag-asa na  mailulusot pa ang mga panukalang batas tulad ng Freedom of Information (FOI) Bill, Salary Standardization Law 4, pag-institutionalize ng bottom-up budgeting at marami pang iba.

“Actually po, masama rin po ang loob natin at hindi ito naipasa, considering na isa po ako sa principal authors ng FOI. Talaga pong umaasa kami na bago matapos iyong 16th Congress, naipasa ito,” wika ni Robredo.

“Pero alam niyo po, babalik pa naman kami sa Mayo pagkatapos ng eleksiyon. Hindi pa po kami nawawalan ng pag-asa,” dagdag ni Robredo, kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

Ayon kay Robredo, importanteng maipasa ang mga batas na ito upang maipagpatuloy ang mahahalagang programang inumpisahan ng Aquino administration.

Ukol naman sa SSL, ipinaliwanag ni Robredo na naipasa na ito ng Senado at Kamara ngunit nagkaroon ng deadlock pagdating sa bicameral conference committee.

“Pero, puwede pang mag-convene ang bicameral conference committee. Sana po maisulong agad ito para bago matapos ang 16th Congress, maibalik na po sa amin at mapirmahan na po ng Pangulo,” giit ni Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with