^

Bansa

Huli sa gun ban, 696 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa loob lamang ng isang linggo, tumaas pa ng mahigit 100 ang luma­bag sa Comelec gun ban dahilan para umakyat na sa 696 katao ang naaaresto ng mga awtoridad kaugnay ng gaganaping May 2016 local at national elections.

Noong nakalipas na linggo ay nakapagtala ang PNP ng nasa 500 paglabag sa gun ban na lumobo pa ng mahigit 100 sa patuloy na checkpoints at chokepoints operations ng pulisya at militar.

Ang checkpoints at chokepoints ay inilatag ng PNP at AFP upang kum­piskahin ang mga loose firearms o mga baril na walang lisensya kaugnay ng misyong SAFE 2016 (Safe and Fair Elections) o maiwasan ang mga pagdanak ng dugo.

Sa 696 nasakote sa gun ban, pinakamarami ang mga sibilyan na nasa 664, limang pulis, walong opisyal ng gobyerno, 12 security guard, lima pa mula sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at dalawang Cafgu.

Nakasamsam rin ng 557 mga baril habang 4,039 iba’t ibang uri ng mga nakamamatay na patalim na tumaas rin ng halos 1,000 ang bilang mula lang noong nakaraang linggo; 18 replica ng mga baril, 205 balisong at mga kutsilyo at 22 granada.

Samantala pito naman ang iba pang eksplosibo at nasa 3,787 ang sari-saring mga bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with