^

Bansa

Duterte sa presidential bets: Ayoko makipagdebate wala namang nangyayari

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayaw makipagdebate ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa iba pang tatakbong pangulo sa 2016, ngunit kung kailangang dumalo ay gagawin niya ito.

“Ayokong makipag-debate sa kanila... Debate debate. Wala namang mangyayari,” pahayag ni Duterte. ''Pero kung pipilitin nila ako, ok lang. We'll talk everything under the sun.”

Sinabi ni Duterte na kahit sa Davao City ay hindi siya dumadalo sa mga debate.

Aniya napakasimple lamang ng kaniyang plataporma at ito ay ang ayusin ang gobyerno.

''Basta ako, iyan ang gawin ko, iyan lang, iyan ang program ko. Alisin ko ang droga, criminality, graft and corruption sa gobyerno. I'll fix government,''  ani ng alkalde.

Nitong nakaraang buwan lamang ay sinabi ni Commission on Elections chair Andres Bautista na magsasagawa sila ng tatlong debate, tig-iisa sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Gagawin ang unang debate sa Pebrero 21 sa Mindanao, Marso 20 sa Visayas at Abril 24 sa Luzon.

Nilinaw ni Bautista na maaari namang hindi dumalo ang mga kandidato ngunit nagbabala na maaaring makaaapekto sa kanilang kandidatura ang hindi pagdalo.

 

vuukle comment

ABRIL

ALISIN

ANDRES BAUTISTA

ANG

ANIYA

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

LUZON

MINDANAO

VISAYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with