21 na patay kay ‘Ineng’
MANILA, Philippines —Umakyat na sa 21 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong “Ineng,” ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may 23 kataon sugatan mula sa Mt. Province, Abra, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Zambales at Ilocos Sur ang mga nasawi.
Dagdag nila na 15 katao pa ang nawawala na mula sa Ilocos Norte, Cagayan, Benguet at Zambales
Tinatayang nasa 24,000 pamilya o higit 100,000 katao naman ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B at Cordillera Administrative Region.
Aabot sa halos P470 milyon ang halaga ng pinsala ni Ineng sa agrikultura at impastraktura sa hilagang bahagi ng Luzon.
- Latest















