^

Bansa

Kung tatakbong VP, Poe tiyak na hindi siya kakalabanin ni Chiz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Kumpiyansa si Sen. Grace Poe na hindi siya kakalabanin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero kung tumakbo man siyang Bise Presidente sa 2016.

"Alam mo yung maganda kasi na sinabi ni Senator Chiz nung umpisa pa lang, sabi niya kung anuman ang desisyon ko, kung ako man ay tatakbong vice president o anupaman, hindi iyon ang itatakbo niya," wika ni Poe ngayong Martes.

Naunang inihayag ni Poe na kung itutuloy man niya ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa paparataing na eleksyon ay nais niyang si Escudero ang makatambal, ngunit tila nag-iba ang kaniyang tono.

“It is important to be able to discern what's best for the country," sagot ni Poe nang tanungin kung handa ba siyang kalabanin si Escudero.

Patuloy ang panliligaw ng Liberal Party (LP) kay Poe upang maging runningmate ni Mar Roxas bilang Bise Presidente.

Pinabulaanan din ng senador ang pahayag ng Nationalist People's Coalition (NPC) na tiyak na silang Grace-Chiz ang tambalan sa 2016.

"Wala pa naman kaming pormal na pag-uusap sa NPC,” sagot niya.

Si Poe ang nangunguna sa presidential at vice presidential polls ng mga survey company.

vuukle comment

ALAM

ANG

BISE PRESIDENTE

CHIZ

GRACE POE

GRACE-CHIZ

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

NATIONALIST PEOPLE

SENATOR CHIZ

SI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with