^

Bansa

CGMA nanalanging huwag matulad sa kanya si PNoy

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagdarasal umano ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na huwag mangyari kay Pangulong Aquino o sa sinuman opisyal ng kasalukuyang administrasyon ang pinagdaraanan niya ngayon pagkatapos ng kanilang termino sa 2016.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, naibubulas ito ni Arroyo nang minsang bisitahin nila ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong nakaraang linggo.

Kuwento ni Atienza, na kilalang malapit na kaalyado ni Arroyo,  nagbiro ang isa nilang kasamahan na dapat magbalot-balot na si Arroyo dahil malapit na itong makalabas at papalit naman sa kanya ang mga humarang para siya’y makapagpiyansa.

“Magbalot-balot na kayo dahil maraming papalit dito sa inyo,” ayon umano sa isang kongresista na hindi pinangalanan na sinabayan naman ng tawanan ng lahat ma­liban kay Arroyo na nagsabing ayaw nitong mayroong pumalit sa kanya doon kahit na sino.

Sinabi pa umano ni Arroyo na ayaw nitong maranasan kahit na ng kanyang mga kaaaway sa pulitika ang same sad, tragic and painful experience na kanyang naranasan sa loob ng apat na taon sa loob ng VMMC.

vuukle comment

ACIRC

ARROYO

ATIENZA

AYON

BUHAY PARTYLIST

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

IPINAGDARASAL

LITO ATIENZA

PAMPANGA REP

PANGULONG AQUINO

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with