^

Bansa

Chiz sa MILF: Hindi puwedeng diktahan ang Kongreso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi puwedeng ma­ging rubber stamp na lamang ang Kongreso at ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng hindi nareresolba ang mga isyu base sa gustong mangyari ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, dapat alala­hanin ng MILF na trabaho ng Kongreso ang magpasa ng batas at hindi puwedeng diktahan.

“Let the MILF be reminded that we in Congress are not dictating, we are legislating,” ani Escudero.

Ginawa ni Escudero ang pahayag bilang reaksiyon sa babala ni Mohagher Iqbal na hindi dapat magbigay ng pre-conditions ang Kongreso bago ipasa ang BBL.

Sinabi pa ni Escudero na mistulang nakalimutan ang Kongreso ng ipasa ang draft ng BBL kaya hindi puwedeng sabihin na ang mga mambabatas ang nagdidikta sa dapat maging laman ng kontro­bersiyal na panukala.

“Sila-sila lang ang nag-uusap nung ginagawa ang laman niyan. We were actually kept in the dark, and now they give us this take-it-or-leave-it stance. This is demanding; they are the ones demanding,” ani Escudero.

Ipinunto pa ni Escudero na dapat naging tapat ang peace panel ng gobyerno tungkol sa limitasyon ng kanilang pakikipag-usap at MILF.

“Nung may sulat na lumabas na ang pagkakaintindi ng MILF nung nakikipag-usap sila sa GRP panel, ang kausap nila ay buong executive, legislative at judiciary. Ito ba ang ipinaunawa sa kanila ng ating mga negotiators? Ni walang pumalag sa ating panel at sinabing hindi ganyan yan. Ngayon nakuha na lahat ng MILF ang gusto nila tungkol sa BBL kaya hindi na namin pwedeng baguhin?” ani Escudero.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

CHIZ ESCUDERO

ESCUDERO

GINAWA

KONGRESO

MOHAGHER IQBAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with