^

Bansa

BBL malabong pumasa sa Aquino admin - solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na umano dapat pang umasa ang pamahalaang Aquino na maaaprubahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa ilalim ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales, dapat maging bukas sa posibilidad ang gobyerno na hindi makakalusot ang BBL sa Kongreso.

Sinabi ni Gonzales na bagamat hindi pa nila isinusuko ang BBL aminado naman ito na sadyang mahirap ang laban sa nasabing panukala.

Paliwanag pa ng lider na maaaring tulad umano ito ng ibang kumplikadong legislative measure gaya ng Reproductive Health Law na inabot ng ilang kongreso bago naging ganap na batas.

Subalit kung hindi naman umano makalusot ang BBL sa ilalim ng administrasyong Aquino ay hindi naman kaagad opsyon ang giyera sa Mindanao.

Dagdag pa ni Gonzales, na kung magkaroon ng panibagong negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay kailangan na umanong matuto ng leksyon ang susunod na negotiating panel.

Para sa majority leader, hindi masisisi ang MILF kung naniniwala ito na ang buong gobyerno ang ka-negosasyon nito kaya inaasahang mapapagtibay ang BBL ng walang anumang amyenda.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

DAGDAG

GONZALES

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with