^

Bansa

Dahil naki-party kay Sen. Enrile: City Jail kina Jinggoy at Bong – Mar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabor si DILG Sec. Mar Roxas na mailipat sa city jail sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon “Bong “ Revilla Jr. at iba pang akusado sa kasong plunder kaugnay ng kontrobersyal na P10 bilyong pork barrel scam.

Ayon kay Sec. Ro­xas, ito’y kung sakaling mapatunayan sa imbes­tigasyon na ‘habitual offenders’ o paulit-ulit na ang mga paglabag nina Bong, Jinggoy at ma­ging ng iba pang mga akusado sa panuntunan ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Sa kasalukuyan, patu­loy ang imbestigasyon ng PNP kung paano nagawang makapuslit ng 2 mambabatas sa kanilang selda para dumalo sa ika-19 kaarawan ni Sen. Juan Ponce Enrile sa “Special Ward” ng PNP General Hospital.

Si Bong ay nakunan pa ng larawan habang nakikipag-party kay Enrile na sumingaw sa pagpapatuloy ng paglilitis sa kaso nitong plunder sa Sandiganbayan.  Nabatid na dumaing ng migraine si Revilla pero sa halip na sa Emergency Room  (ER) ng PNP General Hospital ito magpadala ay dumeretso sa kasiyahan sa Specialty Ward.

Samantalang si Jinggoy, bagamat tinangkang dumalo rin sa party ni Enrile ay agad na pina­balik sa PNP Custodial Center ng kaniyang mga bantay matapos na masuri na normal ang blood pressure nito matapos na hilinging isugod siya sa emergency room ng PNP General Hospital.

Ang insidente ay nag­resulta rin sa pagkakasibak ni PNP Headquarters Support Service (HSS) Director P/Chief Supt. Alberto Supapo at maging ng iba pang custodial officers ng dalawang Senador habang siyam naman ang patuloy na iniimbestigahan sa insidente.

Gayunman, aminado si Roxas na nasa korte na ang desisyon kung papaboran ang paglili­pat sa city jail kina Revilla, Jinggoy at iba pang akusado sa plunder na nakapiit sa PNP Custodial Center.

Wika pa ni Roxas, nasa pagdedetermina na ng hukuman kung gaano kadalas ang ganitong mga paglabag at anuman ang iutos sa kanila ng korte ay tatalima sila.

Ayon pa sa DILG chief, wala sa kanilang hurisdiksyon ang pagpapataw ng kaukulang aksiyon sa dalawang se­nador dahilan nasasaklaw ito ng hukumang humahawak ng paglilitis sa kanilang mga kaso.

Kaugnay nito, umaasa naman si Roxas na walang kinalaman sa posibleng suhulan ang  nangyaring maluwag na pagtrato sa sinumang detainees sa PNP Custodial Center.

Samantala, itinanggi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na dumalo siya sa b-day party ni Enrile dahil wala naman daw party na naganap bagkus ay binati lamang niya ito ng aksidenteng mapadaan siya dito.

vuukle comment

CUSTODIAL CENTER

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

PNP

ROXAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with