^

Bansa

OFW sa Taiwan, hulog sa kanal, tigok

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kumpirmadong nasawi matapos na aksidenteng mahulog sa isang kanal at malunod sa Taiwan.

Sa report na tinanggap ni Administrator Rebecca Calzado ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kay MECO Labor Center, Taipei Deputy Director Evelyn Laranang,  kinilala ang namatay na OFW na si Exell Florendo Ordinario, na natagpuang lumulutang. Ang insidente ay naganap noong Enero 20 sa pagitan ng alas-9:00-9:30 ng gabi sa isang malalim na kanal.

Nabatid na umalis si Ordinario sa company dormitory ng 5:30 ng hapon ng nasabing araw  upang uminom sa isang tindahan ngunit pabalik sa dormitoryo ay nahulog sa kanal.

Nakita ng isang testigo ang bisekleta na gamit ng biktima na nakabalandra  kaya agad na tumawag sa Taiwanese rescue team dakong alas-10:00 ng gabi ngunit patay na ang biktima ng makuha mula sa nasabing kanal.

Agad na tinawagan ng pulisya ang employer o Taiwan Broker (Pan-Asia) ng nasawing OFW para maipaabot ang insidente sa pamilya nito.

vuukle comment

ADMINISTRATOR REBECCA CALZADO

ENERO

EXELL FLORENDO ORDINARIO

ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKER

LABOR CENTER

NABATID

NAKITA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

TAIPEI DEPUTY DIRECTOR EVELYN LARANANG

TAIWAN BROKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with