^

Bansa

SK elections sa Okt. 2016 na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lusot na sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sana ngayong Pebrero. 

Sa halip na nga­yong taon, planong isagawa ang SK elections sa Oktubre 2016 kasabay ng barangay elections.

Una ng ipinagpa­liban ang halalan noong Oktubre 2013 at ginawa itong Pebrero 21, 2015.

Ayon kay Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, inaprubahan ng komite ang panukala at nakatakda itong isalang sa plenaryo sa susunod na linggo.

Sumang-ayon si Marcos sa mga kasamahang mambabatas sa House of Representatives na nanawagan ring ipagpaliban ang halalan habang hindi pa naaprubahan ang bagong SK law.

Nauna ng inihayag ni Marcos na dapat magkaroon ng reporma sa batas para na rin sa kapakanan ng mga kabataan.

Maari naman aniyang makapaghintay ang halalan dahil mas mahalagang mabago ang batas upang mas mapalawak na rin ang “age range” na makakalahok sa mga programa.

Paliwanag ni Marcos na ang SK age range ay kalimitang 15 hanggang 17 kung saan busy ang mga kabataan sa pag-aaral at mga aktibidad sa eskuwelahan.

Sa bersiyon ng Senado nais na gawing 18-24 ang ‘age range’ upang mas magkaroon ang mga kabataan ng “mature perspective” sa kanilang mga res­ponsibilidad.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LOCAL GOVERNMENT

OKTUBRE

PEBRERO

SANGGUNIANG KABATAAN

SENADO

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with