^

Bansa

LRT/MRT fare hike kinontra

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinutulan nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ang panukalang pagtaas ng pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.

Nanawagan din ang dalawang mambabatas sa Kongreso na bilisan ang pagkilos sa House Resolution 111 para imbestigahan ang panukala lalo pa at meron nang pa­talastas ang Department of Transportation and Communication (DOTC) hinggil dito na magkakabisa pagkaraan ng 15 araw.

Sinabi ni Senior Deputy Minority Leader Colmenares na bagaman hindi sila tutol sa pagpapaunlad o pagpapalaki sa rail system pero kontra sila na ipasa sa mga kawawang pasahero ang pagka-iresponsable ng pamahalaan at corporate greed at mga katiwalian. Tutol din sila sa mga sweetheart deals na parang “ginigisa tayo sa sarili nating mantika.”

“Nananawagan kami sa liderato ng House na magpatawag ng special session para rito o magdaos ng pagdinig ang Transportation Committee sa HR 111 kahit Christmas break dahil ipapatupad ang pagtaas ng pasahe sa unang Lunes ng Enero,” apela ng kongre­sista.

Kapag natuloy ang pagtaas, ang pasahe sa LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt ay magiging P29 habang ang one-way trip sa LRT-2 mula Santolan hanggang Recto ay P24. Ang biyahe sa MRT-3 sa pagitan ng North Avenue at Taft Avenue ay P28.

Sa kasalukuyan, ang pasahe sa MRT ay mula P10 hanggang P15 habang sa LRT 1 at 2 ay P12 hanggang P15 at P20.

“Mali ang argumento na dapat ibaba ang subsidy sa MRT/LRT o ibigay ito sa ibang rehiyon dahil hindi nila ito nagagamit. Mali dahil ang ganitong katwiran ay maaaring gamitin laban sa mga proyekto sa ibang mga rehiyon. Halimbawa, maaaring ipatigil ng administrasyong Aquino ang pagpapagawa o rehabilitasyon sa isang tulay sa Eastern Visayas dahil hindi naman ito magagamit ng mga mamamayan ng Mindanao,” dagdag ni Colmenares.

Ayon naman kay Zarate, bago magpanukala ng dagdag sa pasahe, dapat munang imbestigahan ang mataas na gastos sa operasyon at ang malaking utang ng proyekto lalo pa at ang mga taxpayer ang nagbabayad sa mga utang ng pribadong consortium na gumawa sa MRT.

“Dapat suriin ng pamahalaan ang gastusin sa operasyon ng MRT at LRT lines para malaman kung merong sobrang gastusin o mali ang paghawak sa pondo,” dagdag pa niya.

vuukle comment

BAYAN MUNA REPS

CARLOS ZARATE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EASTERN VISAYAS

HOUSE RESOLUTION

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NERI COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with