P22.4B supplemental budget aprub
MANILA, Philippines - Lusot na sa Senado ang P22.4 bilyong supplemental budget na hinihingi ng Malacañang sa Kongreso.
Sa botong 13-0, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala upang mapondohan ang mga proyektong hindi natapos matapos ideklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) at isantabi ng tuluyan ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at congressmen.
Ang nasabing budget ay una ng pumasa sa House of Representatives.
Matatandaan na sinertipikahang urgent ni Pangulong Aquino ang panukala upang matiyak na mamadaliin ito ng Kongreso.
Nauna ng kinontra ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang supplemental budget dahil mistulang isinasa-legal lamang ang DAP na idineklara ng labag sa Konstitusyon ng Supreme Court.
Sabi ni Santiago, hindi na kailangan ang supplemental budget dahil naipasa na ang P2.606 trilyon national budget para sa 2015.
- Latest