^

Bansa

Itinerary ni Pope Francis sa Pinas ilalabas sa Dis.

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ianunsiyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang  itinerary ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, inaasahang bago magtapos ang Nobyembre o sa unang bahagi ng Disyembre ay muling darating sa bansa ang mga kinatawan ng Vatican upang tingnan ang progreso ng paghahanda para sa papal visit at inaasahang sa Disyembre ay maiaanunsiyo na sa publiko ang itinerary.

Nilinaw rin naman ni Tagle na wala pa silang nata­tanggap na opisyal na impormasyon hinggil sa mga ispekulasyon na didiretso na sa Pilipinas ang Santo Papa at kung nakansela nga ba ang pagbisita nito sa Sri Lanka sa Enero 12-15 dahil sa eleksiyon doon.

“Ang huling narinig ko bago ako umalis ng Vatican, magkakaroon ng canonization sa visit sa Sri Lanka. Kung makakaapekto ‘yung eleksyon, wala pang  announcement.  A lot of it will also depend on the bishops there,” ani Tagle.

 

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DISYEMBRE

ENERO

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

NAKATAKDANG

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SRI LANKA

TAGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with