^

Bansa

Kampo ng Sayyaf nakubkob ng AFP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang kampo ng Abu Sayyaf Group ang nakubkob ng puwersa ng pamahalaan sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon.

Ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc, ang kampo na tila inabandona ng ASG ay maaring tirahan ng may 100 tao. May narekober din dito na mga mater­yales panggiyera.

Samantala, tumanggi naman si Cabunoc na ibigay ang eksaktong lokasyon ng kampo dahil patuloy pa anya ang pagtugis ng militar sa mga bandido.

Aniya ang kampo ay hindi ang pinaglagakan ng bandido sa hinostage nilang German couple na sina Stefan Viktor Okonek at Henrike Dielen.

“It (camp) belongs to another (ASG) group,” pagdidiin ng opisyal.

Giit pa ni Cabunoc, umaasa silang matutukoy nila ang mga bandido anumang araw at doon na nila gagamitin ang K-9 units para habulin ang mga bandido.

Samantala, dahil sa patuloy na pressure dala ng walang humpay na pagtugis ay nagpasyang maghiwa-hiwalay ang puwersa ng Sayyaf at humalo sa mga sibilyan upang makaiwas sa militar.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANIYA

AYON

CABUNOC

GIIT

HAROLD CABUNOC

HENRIKE DIELEN

SAMANTALA

STEFAN VIKTOR OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with