^

Bansa

SALN ni Purisima isinumite na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinumite na kahapon ni PNP chief Alan Purisima ang kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

May kabuuang P13.27 milyon ang assets ni Purisima samantalang P4.3 milyon ang kanyang lia­bilities.

Kinumpirma rin ni Purisima na pag-aari niya ang malaking bahay at lupa sa San Leonardo, Nueva Ecija. Nabili niya noong 1998 ang 4.7 ektaryang lupain sa halagang P150,000 at inumpisahang ipatayo ang bahay noong 2002.

Pero sa kanyang SALN, binanggit nito na P3.7 milyon ang market value ng nasabing lupain kasama ang 204 metro kwadradong bahay habang P1.7 milyon ang assessor’s value nito.

Kinumpirma ni Purisima na mayroon siyang  P4.044,000 halaga ng real properties. Kabilang sa kanyang mga ari-arian ang tatlong house and lot sa Caloocan City; lupa sa San Ildefonso, Ilocos Sur; house and lot sa San Leonardo, Nueva Ecija at condo unit sa Cubao, Quezon City.

Inamin din ni Purisima na mayroon siyang dalawang mamahaling sasakyan, isang Alphard na P3.2 milyon na hanggang ngayo’y hinuhulugan pa niya sa bangko at isang Prado na nabili lang niya sa halagang P1.5 milyon dahil sa malaking diskwentong ibinigay sa kaniya.

Duda naman dito si Poe sa pagsasabing napakalaki ng diskwento sa orihinal na presyo ng Prado na P4-M.

Dahil din sa mga ari-ariang ito, binusisi ni Poe ang buwanang kita ni Purisima.

Lumitaw na aabot sa P107,000 ang sahod kada buwan ng PNP chief habang may kita rin ang misis nito bilang treasury examiner ng isang insurance company ng Armed Forces of the Philippines.

Ang SALN ng PNP Chief ang pinagbatayan ng kasong graft at plunder na kinakaharap nito.

Naungkat din ang pagtanggap ni Purisima ng donasyon para sa pagpapatayo ng tinatawag na White House sa Camp Crame, ang opisyal na tirahan ng PNP chief na maituturing umanong direct bribery.

Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Dante Jimenez na dumalo rin sa hearing, guilty sa kasong indirect bribery si Purisima matapos nitong aminin na ang ilang ginastos sa pagpapatayo ng PNP White House ay donasyon.

Samantala, kinuwestiyon ni Sen. Serge Osmeña ang opisyal sa kalakaran sa PNP na pagtanggap ng donasyon.

Ayon kay Osmeña, sa halip na payagan dapat na ipinagbabawal ni Purisima ang pagtanggap ng donasyon dahil sa ito ay tatanawing utang na loob at ang kapalit nito ay pabor mula sa kanilang mga donors.

Sa gitna ng mga kina­kasangkutang kontrobersiya, wala namang kagatol-gatol na sinabi ni Purisima na sa rating na 1 hanggang 10 ay 9 ang ibibigay niya sa kanyang sarili.

Kung si Poe naman umano ang tatanungin, 4 lamang ang rating na ibibigay niya kay Purisima. 

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CALOOCAN CITY

NUEVA ECIJA

PURISIMA

SAN LEONARDO

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with