Lifestyle check sa lahat ng gov’t officials hirit
MANILA, Philippines – Dapat na isailalim rin sa lifestyle check ang lahat ng nasa gobyerno at hindi lamang mga kongresista.
Iginiit ni House Majority leader Neptali Gonzales na hindi dapat i-single out ang mga kongresista sa lifestyle check dahil galit lamang sa kanila ang ibang sektor.
Ayon pa kay Gonzales na kung ipipilit na isailalim sila sa lifestyle check ay dapat idamay ang mga alkalde, gobernador at iba pang opisyal ng gobyerno.
Duda naman ito kung mayroong sapat na tauhan ang gobyerno para gawin ang sistemang ito.
Ito ay dahil hindi naman umano nararapat na magtayo na naman ng panibagong ahensiya para lamang sa lifestyle check.
Matatandaan na sang-ayon si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na isailalim dito ang mga kongresista subalit inamin nito na hindi ito maaaring i-impose sa kahit sinong kongresista.
- Latest