^

Bansa

Smuggling ng bawang iimbestigahan ng House

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng House Committee on Food Security ang uma­no’y smuggling at hoar­ding ng mga bigtime tra­ding cartel sa bansa kaya nagkakaroon ng artificial na shortage sa mga pangu­nahing bilihin at ng bawang.

Ayon kay Butil partylist Rep. Agapito Guanlao, chairman ng komite, bubusisiin niya ang reklamo ng kooperatiba ng mga magsasaka at Natio­nal Garlic Action Team (NGAT), isang multi-sectoral consultative group na binubuo ng national garlic industry, na sinisisi ang mga negosyante ng bawang sa umano’y shortage at overprice into.

Tiniyak naman ng mga miyembro ng NGAT kay Guanlao na may sapat ng bawang sa bansa kahit na sinisisi nito ang ginaga­wang media hype sa nasa­bing isyu upang masarili nito ang malaking importasyon ng bawang.

“It is evident that the media hype on the artificial shortage and the earlier issue on the import permit monopolization is the handiwork of smugglers and illegal traders who, by publicly pinning the blame on local producers, intend to ease out farmers’ cooperatives and associations from their 60 percent share in the country’s garlic importation business,” ayon pa sa mga lider ng NGAT.

Paliwanag pa ng grupo na mahigit sa dalawang dekada na nalalasap ng mga pribadong negos­yante at traders kaya halos mapatay nito ang industriya ng bawang.

Subalit dahil sa desisyon ng Department of Agriculture (DA) na bigyan ng 60 porsiyento share ang mga magsasaka ng bawang bilang tulong ng gobyerno at subsidiya kaya nakabalik sila sa negosyo ng bawang at gulay na isang masamang balita naman para sa mga smugglers at traders na nagtatrabaho para mapigilan ang kanilang import share.

vuukle comment

AGAPITO GUANLAO

AYON

BAWANG

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD SECURITY

GARLIC ACTION TEAM

HOUSE COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with