^

Bansa

8 patay kay ‘Mario’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Mario na pina­lakas ng habagat matapos nitong palubugin sa tubig baha ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. 

Kabilang sa nasawi ang 2-anyos na nalunod sa Bagong Silangan, Quezon City; at isang 34 anyos lalaki na nalunod sa Brgy. Apolonio Samson, QC.

Nahulog naman sa sapa si Erlinda Centeno, 69, sa Montalban, Rizal habang ang 1 buwang sanggol na si Javier Jevania Mateo ay nadaganan ng nabuwal na punong kahoy sa Cagayan.

Namatay matapos makuryente sa España, Maynila ang 22 anyos medical sudent ng UST na si Sigfried Nathan Arcilla at Glendon Benedicto, 22, empleyado ng Sheraton Hotel.

Nasawi naman sa Marikina City sa kasagsagan ng bagyong Mario ang isang 74-anyos na ‘di pa kilalang babae na namatay sa lamig sa Bgy. Tumana nitong Biyernes ng umaga.

Sabado ng umaga nang matagpuan naman ang bangkay ng street sweeper na si Herminigildo Doma, 57, ng Bgy. Malanday, sa gilid ng Marikina River. Hinala ng mga awtoridad na nalunod si Doma nang tangkain nitong tumawid ng ilog habang papauwi sa kanilang tahanan mula sa trabaho.

Iniulat naman ng Camarines Sur Police  ang pagkasawi ng mga nalunod na biktimang sina Conrado, 65, ng bayan ng Ragay at Eduardo Ele, 60, ng Brgy. South Centro mula sa bayan ng Sipocot. 

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na pito ang nasugatan sa pananalasa ni Mario habang isa pa ang nawawala na si Ernesto Guevarra, 55.

Ang bagyong Mario ay nakaapekto sa kabuuang 118,839 pamil­ya o kabuuang 530,438 katao sa Ilocos, Central at Southern Luzon, Central Visayas, Cordillera at Metro Manila.

Sa mga naapektuhan ng kalamidad nasa 23,581 pamilya o kabuuang 93, 062 katao ang kinukupkop sa 181 evacuation centers.

Naitala naman sa 300 lugar sa Ilocos, Central, Southern Luzon, Metro Manila at Bicol Region ang binaha.

Aabot naman sa 87 kalsada at limang tulay ang hindi madaanan sa Cagayan Valley, Central at Southern Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas at Metro Manila.

Sa kasalukuyan, patuloy  ang pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhang pamilya. (Dagdag ulat nina Ludy Bermudo at Mer Layson

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

BAGONG SILANGAN

BGY

BICOL REGION

BRGY

CAGAYAN VALLEY

MARIO

METRO MANILA

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with